Tuesday, January 5, 2010

Is like father, like son?

Paano natin malalaman kung ang ating pinuno ay isang huwaran???
Dahil lamang ba sa "popularity" o pagiging kilala? o dahil sa pagiging ulirang magulang sa kanyang mga anak?

Paano ka paniniwalaan ng tao na ikaw ay sinsero sa pagpigil at pagpuksa sa ipinagbabawal na gamot kung ang sarili mong anak ay hindi mo kayang suwayin??? Paano ka susundin ng iyong nasasakupan kung mismong sa loob ng iyong pamilya ay may sumusuway sa batas na iyong ipinapatupad?

Basahin natin ang sumusunod na balita sa ibaba patungkol sa anak ng Mayor ng Maynila na si Fred Lim:



"Anak ni Mayor Lim kinasuhan ng pagbebenta ng shabu"


MANILA – Sinampahan nitong Martes ng kasong pagbebenta ng methamphetamine hydrochloride o shabu si Manny Santos Lim, anak ni Manila Mayor Alfredo Lim na mahigpit na lumalaban sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Chief State Prosecutor Jovencito Zuno, malakas ang katibayan laban kay Lim, 44-anyos, at mga kapwa akusado na sina Joel Sabado at Ronald Pascual, dahil sa paglabag sa Section 5 at 15 ng Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

"It's up to the court if it will approve a plea-bargain, but as far as the DOJ is concerned, there is enough evidence to prove that they weren't in the act of buying. The quantity of shabu found in their possession and the marked money used during the entrapment operation is enough evidence," pahayag ni Zuno.

Walang piyansang inirekomenda ang Manila Regional Trial court sa mga akusado na nahaharap sa habambuhay na pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala sa kaso.

Ang grupo ni Lim ay nadakip sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA noong Marso 14 sa Espeleta Street sa Sta. Cruz, Manila. Nakuha umano sa mga akusado ang 98.7821 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P340,000.

Ibinasura ng DOJ ang depensa ng kampo ni Lim na biktima ito ng frame up at bumili lang siya ng shabu sa isang pulis.

"The familiar rule on evidence is that an affirmative testimony is far weightier than a negative one, especially when the former comes from a credible witness. Categorical and positive identification of an accused, without any showing of ill-motive on the part of the eyewitness testifying on the matter, prevails over alibi and denial, which are negative, self-serving and undeserving of real weight in law unless substantiated by clear and convincing evidence," paliwanag ng DOJ. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Ayan ba ang karapat-dapat na igalang??? ayan ba ang sinasabi ng iba na dapat pamarisan? NO COMMENT!

'un lng!!!

1 comment:

  1. korek!!! like father, like son tlga!!!! wala syang kwentang tatay!!!! panu nya maaayos ang maynila kung ung mismong sarili nyang anak eh di nya napalaki ng maayos!!! Pwe!!

    ReplyDelete