Friday, January 29, 2010

Maynila: Noon at Ngayon

Makikita ang napakalaking pagkakaiba ng lungsod ng Maynila noon at ngayon. Noon, makikita natin na napakasigla ng Baywalk dahil sa makatawag pansing tanawin at mga pasyalan, maaliwalas na tanawin ng Manila Bay, mga masiglang negosyo, maraming trabaho at marami pang iba sa pangunguna ng dating Mayor Lito Atienza. Ngunit ngayon, ang dating masiglang Baywalk ay naging ordinaryo na lamang. Lahat ito ay dahil sa utos ni Mayor Fred Lim na tanggalin ang sigla sa Baywalk. Kung mapapansin natin ang Baywalk ngayon, nagmistula na itong isang simpleng daanan na hindi ka man lamang mamamangha.
Noon, makikita mo ang Baywalk ang isa sa sentro ng negosyo at mga turista. Isang buhay na katotohonan upang ito’y dinarayo ng mga banyaga at iisa lamang ang kanilang sagot kung tatanungin mo kung gaano kaganda ang mga tanawin. Kahit hindi natin sabihin o hikayatin ang mga ito ay sila pa mismo ang magpupumilit na puntahan ito. Ano kaya ang magandang dahilan ni Mayor Lim kung bakit niya ipinatanggal ang mga istablisyemento dito? Pinatanggal nya ba ito dahil si Mayor Atienza ang nanguna upang mapaganda ng Baywalk?
Pangalawa, noon nakita natin kung paano namintina nang administrasyong Atienza ang kalinisan ng Manila Bay at napanatili ang kaayusan nito. Ngunit ngayon kung mapapansin natin, nakakaawang pagmasdan ang Manila Bay, nagkalat ang basura sa pampang at may masangsang na amoy. Ano nga kaya ang ginagawang aksyon ng tinaguriang Dirty Harry ng Maynila? May ginagawa ba sya upang mabigyan ng pansin ang unti-unting nasisirang Manila Bay?
Maliban pa sa mga ito, maraming mga proyekto ni Mayor Atienza ang hindi pinagpatuloy at minintina ng kasulukuyang administrasyon. Huwag sana nating personalin at gawing dahilan ang mga naging hidwaan sa pulitika upang hindi ipagpatuloy ang mga magandang nasimulan ng naunang administrasyon. Napakasit nga lang isipin na ganoon ang ginawa ni Mayor Lim.
Kayo na lamang ang maghusga kung ano at sino ang ating paniniwalaan, ang subok sa pangangalaga sa kalikasan o sa sumisira nito?
Maliwag na ang sagot, huwag na sana tayong magpatakot sa mga gumagamit ng kamay na bakal upang gawing tama ang mali.

‘Yun lang!

No comments:

Post a Comment